Kung ang Tula ay Wala (Pasintabi sa Makata ng Obando) |
|
Albert Alejo, S.J. |
|
| Kung ang tula ay wala kundi kangkong sa sikmura lalo pa nga kung inumit sa munting tindahan ng kapwa nagpapawis, di hamak ko pang nanaising makinig sa dalawampu't isang taludtod ng kampana na binibigkas sa katanghalian, o kaya nama'y tumitig sa andap ng kandila na bumabasbas sa oras ng hapunan, pagkat ako'y bumubuay at ang loob ko'y pagod na pagod na pagod na. Nasilaw na ako sa kinang ng mga langit na de-lata at nalason lamang sa pagsubo't pagdura ng bala. Kaya't para na ninyong awa mga makatang kapwa ko rin dukha, huwag kayong manukso at huwag ding magpatukso kahit pa nga ba ang tula ay maging letson sa bunganga. |
|