Mga Ibong -Bahay sa Farmer's, Cubao |
|
Danton Remoto |
|
| Itim pa rin ang buga ng hangin sa paligid ng tupok na palengke. Itim ang balat ng bubog, kahoy, semento at trapo. Itim ang lansa ng hininga mula sa nangalirang na gusali.
Ngunit mula sa kung saan, tatlong ibong-bahay ang dumapo sa itim na pasimano ng bintana-- ibinuka ang tuka, sumiyap-siyap, luminga-linga, kumibot ang buntot-- at nabasag ang itim na lungkot
Na nakabalot sa palengkeng tupok. |
|