Paano Na? |
|
Rofel G. Brion |
|
Sa Wakas Umulan kahapon At kahit napakainit Nang tumila ito, Kahit papaano Naibsan ang pagkayamot Sa napakaagang pagdating Ng tag-araw.
Pebrero pa lamang Nang magsimulang matuyo Ang damo. Dati-rati'y maginaw pa Sa buwang ito.
At kahapon, nang umulan, Maraming nakahinga nang maluwag.
Ngunit nang muling umaraw Pagtila ng ulan, Biglang namalayan Na dati-rati'y Hindi umuulan kung Marso.
Paano tatanggapin Ang unang ulan ng Mayo Na dati-rati'y Matagal na hinihintay? Ano ang gagawin Kung mapaaga rin Ang mga bagyo ng Agosto?
Paano kung guminaw na At muling uminit Bago dumating ang Pasko? |
|