Sa Sinumang Mangingibig Na May Lalim ng Makata |
|
Fidel Rillo |
|
| Sa sinumang mangingibig na may lalim ng makata, Ang pagtaga sa haligi'y paglalagda ng misteryo. Sa yayakap na himaymay, ang talim ng talinghaga Ay bugtong din ng pagsuyong may pribadong alpabeto.
Sa sinumang mangingibig na may alab ng gerero, Ang pagsugat sa kamao'y pagsisinsil ng alamat. Dugo'y hibla ng hiningang itititik, at armado Bawat pintig sa damdaming manghihina't titiwalag.
Pinagtagpo mo, dalaga, ang dalawa sa ulirat. Sa di abot na himpilan ng taludtod at talahib, Ang puso ko'y palihim na sumusumpa ng pagliyag Sa ngalan mong pinagrikit na hiwaga
Sa makata at gererong may tibok ng mangingibig, Ang pangako'y likha't mithing nagsasanib sa pag-ibig. |
|